Sangdaang Hakbang Papuntang Malakanyang


Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
ni: Frank Cimatu

Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang,
Dala'ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta'ng
“Pamahalaang
Suwapang,
Kinawawa'ng
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang!"
Naang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang.
Sandaang
Hakbang
Pahalang
Habang
Nakikipilang
Makausisa'ng Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Isang
Awayang
Iisa'ng
Nakakalamang.
Ilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Pulutang
Maanghang,
Pinagbabatuta'ng
Magsasakang
Nakadala'ng
Sundang
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang
Kinikilingang
Kumikinang
Hanggang
Walang
Itinitimbang.
Ang
Kasamang
Kabataang
Pinunta'ng
Sasakyang
Nagwawangwang
Nagsisigawang
“Tang
Inang…. “
Pinompiyang
Habang
Ginigisa'ng
Paratang.
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang,
Walang
Kaganang-
Ganang
Nakiangklang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang





PAGSUSURI
·       
 I. PAGKILALA SA MAY AKDA





            Franklin King a.k.a. Frank Cimatu is a Baguio boy. He is a journalist, Physics major, Fine Arts student and winner of awards in various writing contests. In 1987, he took third place in the poetry contest held by the Galian sa Arte at Tula and went on to become a two-time winner for poetry in the prestigious Philippine national writing contest, the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature with a third place finish in poetry in English for “Living in the Movies: Poems” and the first prize for Tula for “Desaparecido/ Desaparadiso: Mga Tula ni Juan Caliban” [“Desaparecido/Desaparadiso: The Poems of Juan Caliban] in 1991. 
          The following year (1992) he came in second in the Makata ng Taon [Writer of the Year] poetry writing contest of the Surian Ng Wikang Pambansa [Institute for the National Language] . In 1995, he garnered second place in the short-lived Procyon Awards in Manila, Philippines. 
          In 2003, he was adjudged the top prizewinner for poetry in the Philippines Free Press Literary Awards. Franklin Cimatu also writes short stories and has won a Philippines Free Press award for the essay in 1994.



II. KAYARIAN NG TULA
         Ang tulang ito ay nasa Malayang Taludturan.

III. SANGKAP NG TULA

     A. Talinghaga (Tayutay)
           "Sinigang", ito ay sumisimbolo sa mga nagrarally na galit pamahalaan.   
            (Simbolismo)
           "Hanggang maabutang inuwiang sinigang nagmistulang kamanyan" (Simili)

     B. Persona
            Ang persona ay ang taong nagsasalita sa tula. Maaring lumikha ng iba't ibang persona ang makata sa loob ng isang tula. Ang persona sa tulang ito ay mga taong nagrarally o nagaalsa para makamtan ang pagbabagong kanilang hinihingi sa pamahalaan.


     C. Tugma
            Isa sa mga katangian ng tradisyunal na pagsulat ng tula --- ang pagkakaroon ng tugma. Sa tulang ito gumamit ng Malayang Taludturan ang may Akda sapagkat hindi niya isinaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.

     D. Sukat
            Malaking bahagi ng ritmo ang sukat, ito ay bahagi ng kalikasan at ng buhay. Sa tulang ito, ang may Akda ay gumamit ng Malayang Taludturan walang sinunod na sukat. Ang pagsulat sa malayang taludturan ay pagtatalima sa ritmo ng tiyak na paksa kaysa sa itinakdang sukat at tugma sa pagsulat ng tula.


     E. Imahen 
            Ito ay hindi lamang larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay anumang pandamang pisikal. 
            Nakabulang Kartolina - Nakabukadkad na Kartolina
            Sinigang - Mga taong galit na nagrarally
                            Mga taong pawisan na ay patuloy pading nakikipagsiksikan.

     F. Tono
             Ang tono ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona ng tula. 
Sa tulang ito ang tono ay ang galit at pagkadismaya ng mga tao sa pamahalaan, sapagkat kahit anong gawin nila ay wala pading pagbabagong nagaganap, kaya sila ay nagprotesta o nagrally patungo sa Malakanyang upang ipaalam ang kanilang mga hinaing.

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN
           Ang tulang "Sandaang Hakbang Paountang Malakanyang" na isinulat ni Frank Cimatu ay gumamit ng Teoryang Sosyalismo, sapagkat ang layunin nito ay ipakita ang kalagayan at dinadanas na paghihirap ng lipunan.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Babae sa Pagdaralita

Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon