Ang Babae sa Pagdaralita
Ang Babae sa Pagdaralita
ni: Joi Barrios
Babae akong sinasakmal ng kahirapan,
Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan,
maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat,
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos, sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas.
Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae sa kanyang
karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna,Lipad?
Kristala, Kristala,kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag,huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag-aaruga
Matibay ang dibdib pagkat
mapagkalinga
ang ating pag-ibig
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglalaban, na ang pagbawi
ang pang-angking muli,
sa yaman ng bayan,
ay ating karapatan.
Sulong, makibaka, lumaban!
PAGSUSURI
·
I. PAGKILALA SA MAY AKDA
Maria Josephine Barrios o mas kilala sa pangalan na “Joi Barrios” sa
kanyang mga akda. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature)
sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang
makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa
kasalukuyan ay isa siyang visiting professor sa Philippine Studies Program ng
Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers
and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND).
II. KAYARIAN NG TULA
Ang tulang ito ay Tulang Pandamdamin.
Ang tulang ito ay Tulang Pandamdamin.
III. SANGKAP NG TULA
A. Talinghaga (Tayutay)
"Babae akong sinasakmal ng kahirapan" (Pagmamalabis)
"Kahirapan na mistulang ahas sa damuhan" (Simili)
"Babae akong sinasakmal ng kahirapan" (Pagmamalabis)
"Kahirapan na mistulang ahas sa damuhan" (Simili)
B. Persona
Ang persona ay ang taong nagsasalita sa tula. Maaring lumikha ng iba't ibang persona ang makata sa loob ng isang tula. Sa tulang ito, ang persona ay isang babaeng sobrang nahihirapan dito sa mundong ginagalawan na kung saan ay hindi binibigyang halaga ang mga magagandang katangiang kanyang tinataglay.
C. Tugma
Isa sa mga katangian ng tradisyunal na pagsulat ng tula --- ang pagkakaroon ng tugma. Sa tulang ito gumamit ng Malayang Taludturan ang may Akda sapagkat hindi isinaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.
D. Sukat
Malaking bahagi ng ritmo ang sukat, ito ay bahagi ng kalikasan at ng buhay. Sa tulang ito, ang may Akda ay gumamit ng Malayang Taludturan walang sinunod na sukat. Ang pagsulat sa malayang taludturan ay pagtatalima sa ritmo ng tiyak na paksa kaysa sa itinakdang sukat at tugma sa pagsulat ng tula.
E. Imahen
Ang imahen ay hindi lamang larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay anumang pandamang pisikal.
Ahas sa damuhan- ipinahihiwatig nito ang lahat ng paghihirap na nararanasan ng isang babae.
Tagpasin ang ulo ng sawa - lumaban sa kahirapan ng buhay.
Ahas sa damuhan- ipinahihiwatig nito ang lahat ng paghihirap na nararanasan ng isang babae.
Tagpasin ang ulo ng sawa - lumaban sa kahirapan ng buhay.
F. Tono
Ang tono ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona ng tula. Sa tulang ito, nangingibabawa ang tono ng babaeng palaban sa anumang hirap ng buhay.
IV. Teoryang Pampanitikan
Ang tulang "Ang Babae sa Pagdaralita" na sinulat ni Joi Barrios ay may Teoryang Feminismo, sapagkat ang pangunahing tauhan ay isang babae. At ang tulang ito ay may layunin na ipakilala sa mundo ang mga kakayahan at kalakasan ng mga kababaihan.
IV. Teoryang Pampanitikan
Ang tulang "Ang Babae sa Pagdaralita" na sinulat ni Joi Barrios ay may Teoryang Feminismo, sapagkat ang pangunahing tauhan ay isang babae. At ang tulang ito ay may layunin na ipakilala sa mundo ang mga kakayahan at kalakasan ng mga kababaihan.
Comments
Post a Comment