Sangdaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang ni: Frank Cimatu Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang, Dala'ng Nakabulang Kartolinang Nakapinta'ng “Pamahalaang Suwapang, Kinawawa'ng Bayang Walang Kamuwang- Muwang!" Naang Biglang Naalalang Naiwang Nakasalang Ang Sinigang. Sandaang Hakbang Pahalang Habang Nakikipilang Makausisa'ng Manang Nang Bang! Bang! Bang! Nakitang Parang Umilandang Ang Ilang Kasamang Hinahambalang Ang Isang Awayang Iisa'ng Nakakalamang. Ilang Rumaragasang Kapulisang Sindarang Ang Pulutang Maanghang, Pinagbabatuta'ng Magsasakang Nakadal a' ng Sundang Nagbubulagang Peryodistang Walang Kinikilingang Kumikinang Hanggang Walang Itinitimbang. Ang Kasamang Kabataang Pinunta'ng Sasakyang Nagwawangwang Nagsisigawang “Tang Inang…. “ Pinompiyang Habang Ginigisa'ng Paratang. Nanghihinay